Palagi [Wedding Version]

Di man araw araw na nakangiti
At ilang beses na rin tayong humihindi
'Di na mabilang ang ating mga tampuhan
Away-bati natin 'di na namamalayan

Heto tayo

Ngunit sa huli palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Hanggang sa huli palagi
Pipiliin kong maging sa'yo
Ulit-ulitin man nais kong malaman mong
Iyo ako palagi

Kung balikan man ang hirap luha't lahat
Ikaw ang paborito kong desisyon at
'Pag napaligiran ng ingay at ng gulo
'Di ko 'pagpapalit ngiti mo sa mundo

Heto tayo

Sa huli palagi (palagi)
Babalik pa rin sa yakap mo
Hanggang sa huli palagi (huli palagi)
Pipiliin kong maging sa'yo
Ulit ulitin man nais kong malaman mong
Iyo ako

Sa pagdating ng ating pilak at ginto
Dyamante ma'y abutin
Ikaw pa rin aking bituin
Natatangi kong dalangin 'gang sa huling siglo

Sa huli palagi
Babalik pa rin sa yakap mo
Hanggang sa huli palagi
Pipiliin kong maging sa'yo
Ulit-ulitin man nais kong malaman
Iyo ako palagi

Músicas mais populares de TJ Monterde

Outros artistas de Pop rock