Wala Ka Nang Magagawa

Bakit bumabalik ka pa
'Di ba't ika'y pumili na
Maghiwalay muna at hahanapin ang sariling mag-isa

Ang daming luhang sinayang
Ang daming alak tinikman
Makalimutan lang sakit na aking nararamdaman

Isang araw ay nagbago
Bigla ang ikot ng mundo
Nakalimutan na lahat ng bagay na tungkol sa 'yo

Ngayon wala ka nang magagawa
'Di na madadala sa salita
Kahit paulit ulit na ulit ulit na
Ikaw magmakaawa
Tataya sa 'yo hindi na ako tataya
Ika'y mananatili na mananatili na masamang alaala

Kaya ako'y natuto na
'Di na 'ko mabibilog pa
Hindi na kailangan pa na humanap ng kaligayahan sa iba

Sa mga taong darating
Ito ang 'wag n'yong gagawin
'Yung mangangako ka sabay sa dulo'y sisirain lang pala

Akala pa sarili ko
Ang kailangan na magbago
Ang dapat lang pala lumisan na'ng isang katulad mo

Ngayon wala ka nang magagawa
'Di na madadala sa salita
Kahit paulit ulit na ulit ulit na
Ikaw magmakaawa
Tataya sa 'yo hindi na ako tataya
Ika'y mananatili na mananatili na masamang alaala

Wala ka na wala ka na
Wala ka nang magagawa magagawa
'Di na madadala sa salita salita
Wala ka nang magagawa

Ngayon wala ka nang magagawa
'Di na madadala sa salita
Kahit paulit ulit na ulit ulit na
Ikaw magmakaawa
Tataya sa 'yo hindi na ako tataya
Ika'y mananatili na mananatili na masamang alaala

Músicas mais populares de This Band

Outros artistas de Pop rock