Segurista
Gusto ko makilala mo ako
Gagawin ang lahat para pakinggan mo
Oh oh oh
Babaguhin pati pangalan ko
Gagawin ang lahat para mapansin mo
Nandito ako
Oh oh oh
Libu-libong bituin sa 'yong kalawakan
Lahat gustong sakupin puso mo at isipan
Libu-libong bituin sa 'yong kalawakan
Nagniningning kahit hindi na maintindihan
Gusto ko may halaga ako
Bawat oras bawat sandali ng buhay mo
Oh oh oh
Babaguhin pati katauhan ko
Gagawin ang lahat para mapansin mo
Para sigurado
Libu-libong bituin sa 'yong kalawakan
Lahat gustong sakupin puso mo at isipan
Libu-libong bituin sa 'yong kalawakan
Umaawit kahit hindi na maintindihan
Dinig mo ba
Dinig mo ba
Gusto ko makilala mo ako
Gusto ko pakinggan mo ako
Gusto ko mapansin mo
Libu-libong bituin sa 'yong kalawakan
Lahat gustong sakupin puso mo at isipan
Libu-libong bituin sa 'yong kalawakan
Umaawit kahit hindi na maintindihan
Dinig mo ba
Dinig mo ba
Dinig mo ba
Ako ang segurista