tila tala

Sonia del Rosario

Kapag nahulog na tuluyan ang aking damdamin
Nariyan ka ba para ako'y saluhin mukhang malabo
Mukhang sa panaginip ko lamang posible ito
Bakit ganito
Sa lahat ng tao ikaw pa ang napiling isigaw ng puso
Sino ba naman ako para piliin mo

Tila tala sa kalangitan
Kaakit-akit subalit ako'y hanggang tingin lang
Kahit anong pilit na ika'y abutin
Hindi ka kailanman magiging para sa akin
Kahit anong pilit di ka mapapasaakin

Pilit na kinukubli nararamdaman
Tumitigil ang paligid tuwing ika'y nariyan at sa iyong paglapit
Natataranta ako'y natotorete ngunit
Huwag mo naman akong tingnan nang ganyan
Hinay-hinay lang mahina ang kalaban hindi madaling
Mapaibig sa katulad mo
Bakit ganito
Sa lahat ng tao ikaw pa ang napiling isigaw ng puso
Sino ba naman ako para piliin mo

Tila tala sa kalangitan
Kaakit-akit subalit ako'y hanggang tingin lang
Kahit anong pilit na ika'y abutin
Hindi ka kailanman magiging para sa akin
Kahit anong pilit di ka mapapasaakin

Malabong malabong malabo
Malabong malabong malabo oh
Malabong malabong malabong ako ang pipiliin mo
Malabong malabong malabo
Malabong malabong malabo oh
Malabong malabong malabong piliin mo ang tulad ko

Tila tala sa kalangitan
Kaakit-akit subalit ako'y hanggang tingin lang
Kahit anong pilit na ika'y abutin
Hindi ka kailanman magiging para sa akin
Kahit anong pilit di ka mapapasaakin

Curiosidades sobre a música tila tala de syd hartha

Quando a música “tila tala” foi lançada por syd hartha?
A música tila tala foi lançada em 2018, no álbum “tila tala”.
De quem é a composição da música “tila tala” de syd hartha?
A música “tila tala” de syd hartha foi composta por Sonia del Rosario.

Músicas mais populares de syd hartha

Outros artistas de Alternative rock