SWAY ALL DAY
Sabi sa akin ng mga batang katulad ko dati
Parang malabong mangyari, Parang malabong masabi
Sa unang tingin sakin mukang madali lang matinag
Pero hindi mo mapipigilan ang aking pangarap
Nasimulan ko na to, kaya wala ng atrasan sa inapakan
Kong grupo at tinanim na pangalan at kahit may harang man
Sa aking dinadaanan handa kong talunan
Para malampasan ng wa la nang sumpaan
Alam kong 'di na to laro sineryoso ko na kaya mas kilabutan ka pag tinodo ko na
Ng makilala mo kung sino ako halika dito sabayan mo ako
Ako ung taga San Mateo na dumayo pa ng Kankaloo
Hindi pinlano pero guhit ng tadhana
Na ang musika't ako'y biglang magkatalo
Ngayon wala na akong balak tumakbo
Eto ang aking pagkakataon
Di ako papayag na di madinig
Kahit na bingi mabubulabog pag ako ang nagpasabog
Ng mensahe sa mga nasa harap siguradong hindi mo maiiwasan
Ang pangalan ko ay SWAY ALL DAY alam kong 'di halata
Pero ung kaya mo't kaya ko iba ng malala
Libre yung testing
Kung ayaw mo maniwala
Sa hindi nakakaalam
Ako'y magpapakilala ako si
S W A Y
S W A Y
S W A Y
Ngayon hindi na kailangan na alamin ang pangalan ako si
S W A Y
S W A Y
S W A Y
At balang araw alam ko na tatak ang pangalan ako si
Yo,
Yo mic check, check, check
Mic check
Dinig niyo ba ako ng malinaw
Mali ang sabi ko
Dinig niyo ba yung bagong halimaw, malinaw?
Kahit hindi niyo na I-like o I-follow
Kapag babae malambot ba mag rap?
Marshmallow haha
Ipapakita ko ang kaibahan na ang galing
Wala yan sa edad o kasarian
Kung datihan ka o bago
Sikat o nasa ilalim
Isasampal ko sa muka mo
Makinig ka sa akin
Alam ko na
Madami rin akong kasabay
Kumpara sa kanila sakin
Ang naiiba ay
Hindi nag aalangan to
Pag may mikropono na
Parang nag vape hipak malalim
Malakas ang buga
But sandali
Sorry kung tunog mayabang ako
Gusto ko lang ipakita sayo kung
Pano ba 'to na kung gusto mo magawa ay makakaya mo 'to
Siguro naman ay alam mo na kung sino ako, ako si
S W A Y
S W A Y
S W A Y
Ngayon hindi na kailangan na alamin ang pangalan ako si
S W A Y
S W A Y
S W A Y
At balang araw alam ko na tatak ang pangalan ako si