Wari Ko'y [Acoustic]
Wari ko’y matagal din tayong di magkikita
Ayoko na tuloy isipin
Na mawawalay ka na sa akin
Bibilangin ang mga gabi
Hanggang tayo’y magkitang muli
Wari ko’y magiging maligaya ka
Nasan ka man patungo alam mong nandito ako
Wari ko’y alam mong hahanapin kita araw-araw na ikaw
Ay wala na
Sa 'yong pamamaalam
Dadalhin mong puso ko
Sa 'yong pamamaalam
Dadalhin mong puso ko
Wari ko’y kita sa 'king mga mata
Na di na pareho ang buhay ko
Pag wala ka
Ngunit tuloy ang ikot ng mundo
Matagal lang masasanay mabuhay na tayo’y
Magkahiwalay
Sa 'yong pamamaalam
Dadalhin mo ang puso ko
Sa 'yong pamamaalam
Dadalhin mo ang puso ko
Sa 'yong pamamaalam
Dadalhin mo ang puso ko
Sa 'yong pamamaalam
Dadalhin mo ang puso ko
Pikit matang managinip
Mahahanap mo ako sa isang malalim
Na sulok ng iyong isip
Pikit matang managinip
Mahahanap mo ako sa isang malalim
Na sulok ng iyong isip
Pikit matang managinip
Mahahanap mo ako sa isang malalim
Na sulok ng iyong isip