Nagkita Muli

Kung may lungkot sa aking nakaraan may luha mga pusong nasaktan
Mayro'n ding alaalang 'di malilimutan ang saya ng kahapon na lalang

At ngayon tayo'y nandito't nagkita muli naghilom ang mga sugat at lahat ng hapdi

Hindi man tayo nagtuloy-tuloy noon hindi man natin sinulit ang kahapon
Wala ng pipigil pa ngayon sa ating pag-ibig ang ating pag-ibig

May simula 'pag natapos ang katapusan magpahinga sa bawat eksenang madrama
May liwanag na nakayakap sa kulimlim may ngiting nag-aabang sa atin

At ngayon tayo'y nandito't nagkita muli naghilom ang mga sugat at lahat ng hapdi oh

Hindi man tayo nagtuloy-tuloy noon hindi man natin sinulit ang kahapon
Wala ng pipigil pa ngayon sa ating pag-ibig oh lalala oh oh lalala oh

Hindi man tayo nagtuloy-tuloy noon hindi man natin sinulit ang kahapon
Wala ng pipigil pa ngayon wala ng pipigil pa
Wala ng pipigil pa ngayon sa ating pag-ibig ang ating pag-ibig

Músicas mais populares de Sugarfree

Outros artistas de Pop rock