Limbo
Nasan na ang umaga
Matagal na akong naghihintay wala pa siya
Di kaya natraffic o nasiraan
Baka naman nalimutan na niya
Nasan na ang kahapon
Nung tayo'y mga bata pa't walang pakialam
Di ba sabi mo hindi mo ako iiwan
Nasan ka na nasan ka na
Di makapag-isip hindi mapakali
Kung wala ka
At parang kay tagal-tagal
Mundo'y bumabagal kung wala ka
Kung wala ka
Di makapag-isip hindi mapakali
Kung wala ka
Na parang kay tagal-tagal
Mundo'y bumabagal kung wala ka
Kung wala ka
Kailan ba ako hindi mag-iisip
Kailan ba ako matatahimik
Di na ba matatapos ang lahat ng ito
Kailan ba ako makakaidlip
Kailan ba ako hindi mag-iisip
Kailan ba ako matatahimik
At di na ba matatapos ang lahat ng ito
Kailan ba ko makakaidlip