Kung Tayo & Imahe

Umiiyak ka na naman
Dahil sa walang kwentang dahilan
Ano ba ang nangyari sa 'ting dalawa
Lagi na lang tayong hindi nagtutugma
Pag-usapan natin 'to
Masyado na kasing magulo
Mahal pa rin naman kita
Pero parang ang labo na talaga
Baka kailangan na muna natin ng oras
Para pag-isipan ang lahat ng 'to

Kung tayo talaga
Tadhana ang magsasabi sa atin
Kung bitaw ba o kapit pa
Kung para sa 'kin ka
Kahit mawalay pa
Hahanapin ng puso ang daan pabalik sa 'yo

Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan
'Wag mo nang balikan patuloy ka lang masasaktan
'Di nagkulang kakaisip sa isang magandang larawan
Paulit-ulit na binabanggit ang pangalang nakasanayan
Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo

Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan
Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa't isa

Kinalimutan kahit nahihirapan (tama na muna 'to)
Para sa sariling kapakanan (tama na muna 'to)
Kinalimutan kahit nahihirapan (tama na muna 'to)
Pag-ibig na ating sinayang
Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Hanggang dito na lang tayo

Kung tayo talaga
Tadhana ang magsasabi sa atin
Kung bitaw ba o kapit pa
Kung para sa 'kin ka
Kahit mawalay pa
Hahanapin ng puso ang daan pabalik sa 'yo

Kung tayo tayo (pinagtagpo)
Kung tayo tayo (ngunit hindi tinadhana)
Kung tayo tayo talaga
Kung tayo tayo (pinagtagpo)
Kung tayo tayo (ngunit hindi tinadhana)
Kung tayo tayo talaga
Oh oh
Kung tayo'y 'di tinadhana

Músicas mais populares de Skusta Clee

Outros artistas de Film score