Tayo'y Magsamba
Mula pagkabata
Di mo lang alam
Lagi kang tanaw
Bawat kilos mo't galaw
Araw at gabi
Ikaw ang nasa isip iba'y nagtataka
Bakit ako nakangiti
Sa bawat sulyap
Sa bawat tingin
Puso ko'y di mapigil sa pagsayaw ng samba
Isang ngiti mo samba
Isang kaway mo samba
Puso'y nag-sasamba
Bakit ganito
Isip ko'y nagugulo
Di mapaliwanag
Ang damdamin kong ito
Sana'y pagbigyan
Ang hiling kong ito huwag mo nang pahirapan
Mag-samba na tayo
Sa bawat sulyap
Sa bawat tingin
Puso ko'y di mapigil sa pagsayaw ng samba
Isang bati mo samba
Isang hawak mo samba
Puso'y nag-sasamba
Sa bawat sulyap
Sa bawat tingin
Puso ko'y di mapigil sa pagsayaw ng samba
Isang ngiti mo samba
Isang kaway mo samba
Puso'y nag-sasamba
Puso'y nag-sasamba
Puso'y nag-sasamba