Walang Hanggan Katapusan Dulo

Noel Palomo

Maraming katanungan na walang kasagutan
O hindi lang maarok ng inosenteng isipan
Ang iba'y may haka-haka may naglalalim-laliman
Kung akong tatanungin baka mo lamang pintasan

Paano ba nagsimula ito
Walang hanggang katapusan dulo
Maraming usap-usapan na walang katuturan
O wala ka lang paki iba ang 'yong kagustuhan
Ang iba'y nagsisigawan habang may nagbubulungan
Kung akong kakausapin baka mo lamang tawanan
Paano ba nagsimula ito
Walang hanggang katapusan dulo

Na na na na
Na na na na

Maraming nagsasama na walang patutunguhan
O wala ka lang pag-ibig at sa iyo ay libog lang
Ang iba'y nagmamahalan kung may naglalaro lamang
Kung ako ang sasamahan baka malamang iwanan

Paano ba nagsimula ito
Walang hanggang katapusan dulo

Paano ba nagsimula ito
Walang hanggang katapusan dulo

Na na na na
Na na na na
Na na na na
Na na na na
Na na na na na

Curiosidades sobre a música Walang Hanggan Katapusan Dulo de Siakol

Quando a música “Walang Hanggan Katapusan Dulo” foi lançada por Siakol?
A música Walang Hanggan Katapusan Dulo foi lançada em 2003, no álbum “Hiwaga”.
De quem é a composição da música “Walang Hanggan Katapusan Dulo” de Siakol?
A música “Walang Hanggan Katapusan Dulo” de Siakol foi composta por Noel Palomo.

Músicas mais populares de Siakol

Outros artistas de