Sandale

Noel Palomo

Matatawag mo bang adobo kung wala ang toyo
Matatawag mo bang masarap kung laging ulam ay tuyo
Matatawag mo pa kaya ako (matatawag mo pa kaya ako)
Kung may ibang hinihintay diyan sa tabi mo

Maiisip mo bang may birthday kung walang kalendaryo
Maiisip mo bang exam mo kung di mo sinasaulo
Maiisip mo ba kaya ako (maiisip mo ba kaya ako)
Kung may ibang gumugulo diyan sa utak mo

At bakit hindi eh kung wala naman akong ginagawang mali
Sino ka para ako ay mapigilan mo
Umasa lagi sa iyo sa bawat sandale
Sandale sa bawat sandale
Sandale

Matatanggap mo bang matalo kung ika'y niloko
Matatanggap mo bang ngumiti kung napakasakit nito
Matatanggap mo pa kaya ako (matatanggap mo pa kaya ako)
Kung may ibang sumira na diyan sa tiwala mo

At bakit hindi eh kung wala naman akong ginagawang mali
Sino ka para ako ay mapigilan mo
Umasa lagi sa iyo sa bawat sandale
Sandale sa bawat sandale
Sandale

At bakit hindi eh kung wala naman akong ginagawang mali
Sino ka para ako ay mapigilan mo
Umasa lagi sa iyo sa bawat sandale
Sandale sa bawat sandale
Sandale

Matatawag mo bang adobo kung wala ang toyo
Matatawag mo bang masarap kung laging ulam ay tuyo

Curiosidades sobre a música Sandale de Siakol

Quando a música “Sandale” foi lançada por Siakol?
A música Sandale foi lançada em 2010, no álbum “Tropa”.
De quem é a composição da música “Sandale” de Siakol?
A música “Sandale” de Siakol foi composta por Noel Palomo.

Músicas mais populares de Siakol

Outros artistas de