Salot
Pagkagising ko sa umaga
Balita sa dyaryo ang nakita
Wala pa ring pinag iba
Karahasan ang makikita
Anong klaseng pamumuhay
Kaguluha'y wala na bang humpay
Ako'y napadaan sa isang kanto
Marami ang nag kakagulo
Tsismis pala ang kanilang punto
Paninira sa kapwa tao
Bigyan naman natin ng pag asa
Ang mga taong nangangapa
Ang mundo ay umiikot
Wag ka sanang malikot
Baka ikaw ay mahulog
Hindi ka ba natatakot
At ikaw ay matawag na salot
Nakita ko ang dating kaibigan
Agad niya akong nilapitan
Nagbago na ang kanyang katawan
Dahil sa bisyong di maiwasan
Bakit kay rami satin ang ganito
Sarili ay inaabuso
Ang mundo ay umiikot
Wag ka sanang malikot
Baka ikaw ay mahulog
Hindi ka ba natatakot
At ikaw ay matawag na salot
Ang mundo ay umiikot
Wag ka sanang malikot
Baka ikaw ay mahulog
Hindi ka ba natatakot
At ikaw ay matawag na salot