P.I
Narito ako sa isang lugar
Na hindi 'ko maintindihan
Nakikipagsapalaran sa buhay
Na ang hantungan ay kawalan
De numero ang galaw ng tao
Bawat gawin ay may presyo
Oh narito ako sa isang lugar
Na hindi ko maintindihan
Daing ng tao'y 'di pinapansin
Nililipad ng hangin
Pagkain sa araw-araw hindi malaman
Pa'no pagkakasyahin
Lalong yumayaman kapag mayaman
Lalong naghihirap kapag mahirap
Oh narito ako sa isang lugar
Na hindi ko maintindihan
Walang ginagawa
Ang mga walang awa
Walang nagagawa kahit pa
Ngumawa magmakaawa
Bumaha ng mga luha ha (luha luha)
Bumaha ng mga luha ha (luha luha)
Narito ako sa isang lugar
Ng mga taong tumatakas
Naghahanap ng swerte sa iba
Dahil dito'y wala ng bukas
Kakarampot na sasahurin
Sa sobrang mahal ng mga bilihin
Oh narito ako sa isang lugar
Na hindi ko maintindihan
Walang ginagawa
Ang mga walang awa
Walang nagagawa kahit pa
Ngumawa magmakaawa
Bumaha ng mga luha ha (luha luha)
Bumaha ng mga luha ha (luha luha)
Narito ako sa isang lugar
Na hindi 'ko maintindihan
Nakikipagsapalaran sa buhay
Na ang hantungan ay kawalan
De numero ang galaw ng tao
Bawat gawin ay may presyo
Oh narito ako oh narito
Oh narito ako bakit ganito
Oh narito ako sa isang lugar
Na hindi ko maintindihan