Karoling [Karaoke]
A bente kuwatro ng Disyembre alas nuwebe ng gabi
Hawak-hawak ang gitara kasama buong tropa
Tatapat sa bahay-bahay mangungulit mag-iingay
Iipunin ang bigay para mamaya may tagay
Karoling ang saya-saya namin
Sa bawat awitin ang simoy ng hangin
Oh karoling simbolo ng pagkainipin
Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating
Habulan na nga sa tono hahabulin pa ng aso
'Pag chick ang nasa bintana harana ang sadya
Ok lang kahit patawad o inumin na lapad
Tuloy-tuloy pa rin kami para na rin makarami
Karoling ang saya-saya namin
Sa bawat awitin ang simoy ng hangin
Oh karoling simbolo ng pagkainipin
Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating
Ang aming pagbati sana ay manatili
Ang kaligayahan n'yo kahit hindi pasko
May KJ at nagmumura masakit lang daw sa tenga
'Di yata nila alam araw 'to ng pagbibigayan
Pagmamahalan kahit ngiti man lang sa amin ay galak
Meron pang palakpak
Oh karoling ang saya-saya namin
Sa bawat awitin ang simoy ng hangin
Oh karoling simbolo ng pagkainipin
Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating
Oh karoling ang saya-saya namin
Sa bawat awitin ang simoy ng hangin
Oh karoling simbolo ng pagkainipin
Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating
Paskong darating
Paskong darating