Bote! (freestyle)

Jeff Flores

Pagkatapos ng inuman, kagabe
Wala maggagawa kundi bumangon sa kama, yeah yeah yeah
Kailangan ko kumilos kahit walang gana, kailangan eh
Kung pahiga-higa lang kakalam aking sikmura, tapos na kasiyahan
Balik ulit sa pag ukit ng kapalaran ko woah

Minsan napapraning, minsan ay tuliro minsan natatahimik
Minsan palabiro minsan ay gumigimik, minsan nagmumukmok
Sampung mga daliri naging dalwang kamao pagkat ako laban sa ako
Sa paligsahan na ako lang din ang kalahok
Mga ilang maga pa sa mata matatamo?
Mula sa mga luhang papatak t'wing magulo ang isip
Sa sobrang dami ng tunog na di ko nga kailangan
Oh, nabibingi ako gusto nang mata-uhan, sarili kinurot
Ginigising ang sarili dahil nga laging tulog sa reyalidad ng buhay
Kapagod tumakbo papalayo, unti-unting hinaharap
Kaya ko to unti-unting hinaharap, kaya ko to walang pagpipilian
Kakayanin ko

Pagkatapos ng inuman, kagabe
Wala maggagawa kundi bumangon sa kama, yeah yeah yeah
Kailangan ko kumilos kahit walang gana, kailangan eh
Kung pahiga-higa lang kakalam aking sikmura, tapos na kasiyahan
Balik ulit sa pag ukit ng kapalaran ko woah

Curiosidades sobre a música Bote! (freestyle) de Shortone

De quem é a composição da música “Bote! (freestyle)” de Shortone?
A música “Bote! (freestyle)” de Shortone foi composta por Jeff Flores.

Músicas mais populares de Shortone

Outros artistas de