Opo

Christopher John Ongkiko

Sabi ng nanay ko anak itigil mo yan
Wala kang mapapala kaka-kompyuter mo diyan
Di niya maintindihan
Pero okay lang yan
Sabi ng tatay ko anak itigil mo yan (sige opo oo nalang)
Wala kang mapapala mag aral ka nalang (opo oo kalang)
'Di niya maintindihan (opo oo na lang)
Pero okay lang yan (opo oo kalang)

Pasensya na matigas ulo
Umoo sa umpisa pero ginawa ko pa rin 'to sa dulo
Sorry gusto ko kasi talaga
Hindi ko papabayaan ang aking eskwela kaya wag ka magalala
Ang ganda nung umpisa nababalanse ko pa
Kahit yayain ako ng kaklaseng magcutting ay hindi nagpapadala
Kaso lang sa paglipas ng panahon ihip ng hangin nagiba
Oh pati perang pang enroll na iyong padala sa dota'y aking nadala
Kaya ang

Sabi ng nanay ko anak itigil mo yan
Wala kang mapapala kakacomputer mo diyan
'Di niya maintindihan
Pero okay lang yan
Sabi ng tatay ko anak itigil mo yan
Wala kang mapapala magaral ka nalang
Di niya maintindihan
Pero okay lang yan

Oh pasensya na matigas ulo
Umoo sa umpisa pero ginawa ko pa rin 'to sa dulo
Sorry gusto ko kasi talaga
Hindi ko papabayaan ang aking ah basta huwag ka na magalala
Ang ganda nung umpisa nababalanse ko pa
Nais ko lang naman kasi talagang mangyari ay gumawa ng kanta
Kaso lang sa paglipas ng panahon
Sa battle rap na napunta
Ito't ang inyong anak na inyong minahal andun at pinagmumura
Kaya ang

Sabi ng nanay ko anak itigil mo yan
Wala kang mapapala sa kakarap mo diyan
Di niya maintindihan
Pero okay lang yan
Sabi ng tatay ko anak itigil mo yan
Wala kang mapapala magaral ka nalang
'Di niya maintindihan
Pero okay lang yan

Sige opo oo nalang
Opo oo ka lang
Opo oo nalang
Opo oo ka lang
Gumuho ang mundo ko nung magtanong ka na
Anak pag aaral mo kamusta may bagsak ka ba
Ma marami dalawa lang ang aking napasa
Joke lang ma paano babagsak e di naman nag enroll talaga
Gumuho ang mundo ko nung magtanong ka na
Anak yang pag rarap mo kamusta
Nananalo ka ba
Pa palagi ano ba yan nagtatanong ka pa
Joke lang pa sampu na ang aking talo panalo ko ay dalawa kaya

Malamang sasabihin niyo nanaman sa akin dapat nakinig na ako
Nakinig naman ako hindi lang sumunod e kayo nakinig ba kayo
Diba ang lagi niyong sinasabi sa akin dapat itigil ko na to
Hindi naman ako magaling sa ganto
Magaling lang kapag gagawin gusto niyo

Hindi pa nga ako tapos magpaliwanag hindi na agad ang sagot
Minsan kahit hindi pa nga 'ko bumabanat
Hindi na agad nakakalungkot
Pero ako ay nakangiti pa rin dapat
Kasi kapag nagsimangot
Naku yari lagot
Opo di dahil merong respeto
Opo-dahil takot

Opo para tapos na agad para wala nang gulo
Opo kasi diba ako'y bastos kapag ang sagot ko ay hindi niyo gusto
Opo nalang opo hanggang nakatira pa ako sainyo
Kayo ang magulang at anak lang ako
Matanong ko lang bakit choice ko ba to

Mismong aking pagkabuhay kayo ang nag desisyon
Tapos gusto niyo pa kayo rin masunod sa mga gagawin ko ngayon
Wala ba akong kwentang anak dahil dito sa aking mga sinasabi
Sana nga e kaya ko tong sabihin lahat
Kaso sa isipian ko lang lahat to nangyari wala eh

Sabi ng nanay ko anak itigil mo yan
Wala kang mapapala sa ginagawa mo diyan
Di niya maintindihan
Pero okay lang yan
Sabi ng tatay ko anak itigil mo yan
Wala kang mapapala magaral ka nalang
Di niya maintindihan
Pero okay lang yan

Sige opo oo nalang
Opo oo ka lang
Opo oo nalang
Opo oo ka lang
Opo oo nalang
Opo oo ka lang
Opo oo nalang
Opo oo ka lang

Músicas mais populares de Shehyee

Outros artistas de Asian hip hop