'Wag Kang Bibitaw

Wag matakot sa dilim mahal nandito lang ako
Kalma lang yakap lang wag kang bibitaw mahal ko
Di kailangang mangamba mahal kasama mo ako
Sa mga pagsubok kapit lang mahal nandito lang ako

Wag kang bibitaw sumpa sa iyo
Na magkayakap nating lalabanan ang mundo
Init man o ginaw ipinapangako ko
Lahat ay kakayanin basta't hawak ang kamay mo (wag ka bibitaw wag ka bibitaw)

Titig ng iyong mata'y sa akin ay ibaling na
Ng maunawaan mo laging may kasama ka
Walang hirap na kay bigat walang lungkot na kay dilim
Basta't may ikaw at ako lahat ay kakayanin

Wag kang bibitaw sumpa sa iyo
Na magkayakap nating lalabanan ang mundo
Init man o ginaw ipinapangako ko
Lahat ay kakayanin basta't hawak ang kamay mo (wag ka bibitaw wag ka bibitaw)

Wag kang bibitaw sumpa sa iyo
Na magkayakap nating lalabanan ang mundo
Init man o ginaw ipinapangako ko
Lahat ay kakayanin (lahat ay kakayanin)
Lahat ay kakayanin basta't hawak ang kamay mo

Músicas mais populares de Sharon Cuneta

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)