Hingang Malalim

Nica del Rosario

Tahimik ang aking paligid
Pati ang aking isip walang diwang kumukuliglig
Malinaw 'sing liwanag ng araw ang daang aking tinahak
Ang mundo'y aking kasayaw

Mga pangarap na natupad
Mga panaginip na naging katotohanan
Naghabol at umakyat
Ngunit ang lakbay ay mahaba pa at ako'y hinihingal

Kay layo ng linakad ko
Upang makarating sa kung saan ako nakatayo ngayon
Kailangan mo nang huminto
Parating na ang dapit-hapon
Manalangin mag-pahinga pumikit
Hingang malalim

Alaala nagbibigay ng ginhawa
Kapag ang bukas ay puno ng anino ng kawalan

Mga pangarap na natupad
Mga panaginip na naging katotohanan
Naghabol at umakyat
Ngunit ang lakbay ay mahaba pa at ako'y hinihingal

Kay layo ng linakad ko
Upang makarating sa kung saan ako nakatayo ngayon
Kailangan mo nang huminto
Parating na ang dapit-hapon
Manalangin mag-pahinga pumikit

At pagdating ng bukang-liwayway
Babangon maghahanda
At lahat ay ibibigay muli

Kay layo ng linakad ko oh

Kay layo ng linakad ko
Upang makarating sa kung saan ako nakatayo ngayon
Kailangan mo nang huminto
Parating na ang dapit-hapon
Manalangin mag-pahinga pumikit
Hingang malalim

Curiosidades sobre a música Hingang Malalim de Sarah Geronimo

Quando a música “Hingang Malalim” foi lançada por Sarah Geronimo?
A música Hingang Malalim foi lançada em 2018, no álbum “This 15 Me”.
De quem é a composição da música “Hingang Malalim” de Sarah Geronimo?
A música “Hingang Malalim” de Sarah Geronimo foi composta por Nica del Rosario.

Músicas mais populares de Sarah Geronimo

Outros artistas de Pop