Baliw Na Pag-Ibig

Hindi na lihim
Ang nadaramang ito
Kahit mga kaibigan ko'y
Bistado na ako
Kung anong damdamin
Ang nadarama sa'yo
Ngunit parang balewala ako

Ano ba ang kailangan kong gawin
Upang ako'y matutunan mo na mahalin
Pwede bang sabihin mo naman sa akin
At ang lahat ay aking susundin

Kahit ako'y parang baliw
Na umiibig sa'yo
Heto parin ang puso ko
Umaasang tanggapin mo
Hindi ko man naramdaman
Na may halaga sa'yo
Masakit man ito
Tuloy parin ako oh'

Huwag mong ipagkait ang puso mo
Dahil tapat ang hangarin ko para sayo
Huwag mo sanang balewalain ang tulad ko
Na nagmamahal sayo ng totoo oh

Kahit akoy parang baliw
Na umiibig sayo
Heto parin ang puso
Umaasang tangapin mo
Hindi ko man maramdaman
Na may halaga sayo
Masakit man ito
Tuloy parin ako

Kahit nag mumukhang tanga
Pilit kong kinakaya
Nais ko lang
Makita mong tunay ang nadarama
At kahit hindi pinapansin
Pag sinasabi ko na
Iniibig kita minamahal kitang talaga
Iniibig kita minamahal kita
Kahit ako'y parang baliw
Na umiibig sa'yo

Músicas mais populares de Sam Milby

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)