Bakit Ba

Ang tunay na damdamin ko sa'yo
Ay hindi mo masakyan
Lagi na lang nasa alanganin
Pag-ibig na kaya ito

O aking puso'y 'di ko alam kung ano
Ang tibok sa 'king dibdib
Kung iiwas na ako sa iyo
Bakit ba ako'y nalilito

Bakit ba hindi ko maintindihan
Pagtingin ko sa iyo'y 'di masakyan
Bakit ba ako'y laging nalilito
Tunay na pag-ibig na kaya ito

Sa aking puso laging ikaw ang naroon
Ito ba ay pag-ibig
Pagtingin ko sa iyo'y ganito
Bakit ba ang puso ko ay lito

Bakit ba hindi ko maintindihan
Pagtingin ko sa iyo'y 'di masakyan
Bakit ba ako'y laging nalilito
Tunay na pag-ibig na kaya ito

Bakit ba hindi ko maintindihan
Pagtingin ko sa iyo'y 'di masakyan
Bakit ba ako'y laging nalilito
Tunay na pag-ibig na kaya ito

Tunay na pag-ibig na kaya ito

Músicas mais populares de Raymond Lauchengco

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)