Galakbay

patuloy na inaasam
pasan at nais abutin
pangarap na handang tawirin
ito ay darating din
kay dami mang pagsubok ang nagdaan
sarili ay hinding hindi ko pipigilan
puso ay aking susundin sa matagal ko nang hiling


ito'y maaabot din
patungo sa daang walang hanggan
matumba man at mabigo ay babangon pa rin
magkasama nating haharapin
hawak kamay gabay sa'ting paglalakbay


pagmamahal (ah)
'wag na 'wag mababahala makakaya basta’t sama-sama
ipagpatuloy kahit pa nahihirapan na
lahat kakayanin kung iisipin
sa dinami-rami ng mga pinagdaanan
may pag-asa magtiwala
patungo sa daang walang hanggan
matumba man at mabigo ay babangon pa rin
magkasama nating haharapin
hawak kamay gabay sa'ting paglalakbay


pagmamahal
kahit gaaano kabigat lahat ng 'to'y hindi sapat
tuloy-tuloy paring lilipad oh
patungo sa daang walang hanggan
matumba man at mabigo ay babangon pa rin
magkasama nating haharapin
hawak kamay gabay sa'ting paglalakbay


pagmamahal
ah

Músicas mais populares de Press Hit Play

Outros artistas de Pop