Muntik Nang Maabot Ang Langit

Muntik nang maabot ang langit
At makupkop ka sa 'king mga kamay
Karapat-dapat nga bang mapasa-akin

Ang pag-ibig na 'yong taglay
Ilang ulit na rin na ako'y nagsumamo
Upang ang 'yong puso ay aking makamit

Walang papantay sa 'king katapatan
Higit pa talaga sa kanilang kayamanan
Saan nga ba ako nagkamali
At ako ay iyong pinahirapan
Ilang ulit na rin na ako'y nagsumamo
Upang ang 'yong puso ay aking makamit
Muntik nang maabot ang langit
Muntik nang maabot ang langit

Ang langit sa 'yong puso muntik nang mailapit
Nguni't 'kaw na ngayo'y alaalang kay pait
Muntik nang maabot ang langit

Muntik nang maabot ang langit

Curiosidades sobre a música Muntik Nang Maabot Ang Langit de Piolo Pascual

Em quais álbuns a música “Muntik Nang Maabot Ang Langit” foi lançada por Piolo Pascual?
Piolo Pascual lançou a música nos álbums “Piolo” em 2003, “Platinum Hits” em 2005 e “Piolo Pascual” em 2007.

Músicas mais populares de Piolo Pascual

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)