Tamang Panahon

Matagal kong inantay ang pagkakataon na to ang makasama
Ang makata sa isang kanta ko
Kailangan taliman na parang sumusulat sa bato
Eto ang isa sa lahat ng pangarap na dala ko

Pinagdaanang hirap halata nyo sa mata ko
Pinagpaguran lahat kahit na walang matamo
Ang industriya ay gubat pag namulat ka na bro
Ako ay naging mananabas sa masukal na damo

Nung narinig ko yung kanta mo grabe ang galing
Sabay sabi sa sarili yan ang gusto ko gawin
Balang araw sa entablado makakakanta rin
Hindi pala ganun kadali kapag meron kang hiling

Hindi nakapag kolehiyo
Walang pang matrikula
Pero inaral ang diploma mo't mga tinula
Hindi ko kakalimutan
Kung saan ako nagsimula
San man makarating lahat ng to
Laging panimula

Huwag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi hanggang doon sa tamang panahon

Sa kada alis ko ay laging alisto
Sa biyahe ng pangarap nakikinig kay pollisco
Habang naglalakad ang baon ko sampung piso pero hindi huminto at ang lahat tiniis ko

Sarado ang pinto sa bintana dadaan
Oh kahit saan pa yan gagawan ng paraan
Maraming pwedeng mangyari basta mag abang ka lang
Pero wag puro abang pare kilusan mo naman

Isipin mo ay darating ang tamang panahon
Kahit mahulog ay kayanin mong gumapang paahon
Kung akala ng iba ang buhay mo ay patapon gulatin mo silang lahat pag lumabas ka sa kahon

Ngayon naniniwala na kong lahat ay posible
Pero alam ko rin na hindi to ganun ka simple
Kung gusto mo talaga pagsikapan mo maige
Pag ang panahon tumama hawakan mo ng mabuti

Huwag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi hanggang doon sa tamang panahon

Di ako karapat dapat
Pero maraming salamat
Palaging naka handa na walisin ang mga kalat

Ipunin ang piraso
Dikitan ang mga lamat
Nakalista na atraso
Kulay itim parang balat

Sa puwet diket inggit nangmamaliit
Mawalang galang na teka lang sino ka nga ulit
Nangungulit don sa likod nangangalabit
Sumunod sa payong laging magpapakabait

Alisto direcho lagi di palihisto
Pangalawang pangalan aking pinarehistro
Sabi ng bago sa lumang trabaho panis to
Babagsakan ng apelyido ko na pollisco

Minsay naatasan akoy naabutan
Ng martilyo at pako tinibayan ang mga daan
Na kapag tinapakay kanilang matatandaan
Sa huli lahat tayo'y palaging mapapalitan hey

Huwag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon

Músicas mais populares de Pio Balbuena

Outros artistas de Asian hip hop