Tanging Hiling

Althea Dawn Grijaldo, National Commission for Culture and the Arts, Sagisag Kultura Filipinas, Philippine Cultural Educati

Naaalala ko pa ang mga una kong Pasko sa mundo
Kay rami-raming taong may bitbit na regalo
Sabay sabit ang mga parol na gawa sa boteng tinapon
Mabibighani ka sa plaza mga Christmas tree’ng nakaparada
Nakaka-miss lang talaga ang pagdiriwang na kay saya

Kaya sa ulap na lang ako’y magdidiwang
Habang nakatingin parin sa ibaba kung sa’n ako’y nagmula
Ang kanilang tawa’t awitin ‘di mabubura sa isip
Ang tanging hiling ko sa Pasko
Na hinding hindi ito magbabago

Naaalala ko pa ang Simbang gabi tuwing alas kwatro
Bawat pamilya’y nandun upang manalangin sa Panginoon
Kahit antok nilalabanan para hiling maisakatuparan
At pagkatapos ay mag-aalmusal sa karinderya
Nakaka-miss lang talaga ang pagdiriwang magkasama

Kaya sa ulap na lang ako’y magdidiwang
Habang nakatingin parin sa ibaba kung sa’n ako’y nagmula
Ang kanilang tawa’t awitin ‘di mabubura sa isip
Ang tanging hiling ko sa Pasko
Na hinding hindi ito magbabago

Naaalala ko pa ang aking huling Pasko sa mundo
Lahat sila’y nakatingin sa’kin na malungkot
Sa isip ko, “ito na ba ang huling pagdiriwang kay saya?”
Kahit sakit ‘di madama kaya mga mata’y pinikit na
Ngayon ang Diyos ang kasama, huwag kayong mag-alala
Pagkat ay darating din ang panahon na

Sa kalangitan, tayo’y magdidiwang
‘Di na kailangang tumingin sa ilalim ng mga ulap
Ang ating tawa’t awitin ay pwede na nating ulitin
Ang aking hiling ngayong Pasko
Magiging masaya pa rin ito

Músicas mais populares de Philippine Madrigal Singers

Outros artistas de Religious