Awit ng Misyon [Narito, Handa Kami, Panginoon!]
Limangdaang taong biyaya,
Salamat Panginoon, sa 'Yong punla.
Misyong kaloob sa aming puso
Aming sarili ay aming handog,
Laging tapat at laging tugon:
Naririto, handa kami, Panginoon!
Kami'y hahayo sa iba't-ibang dako,
Hatid ang Iyong Salita at paglilingkod.
Inang Maria ang siyang gabay nami't lugod.
Lalaganap alab ng 'Yong misyon!
Limangdaang taong biyaya,
Salamat, Panginoon, sa' Yong punla.
Misyong kaloob sa aming puso
Aming sarili ay aming handog,
Laging tapat at laging tugon:
Naririto, handa kami, Panginoon!
Ang mga kaloob na aming alay sa mundo:
Katarungan, Kabanalan, Kapayapaan.
Sa senyal na ito maniniwala ang mundo,
Pagmamahal namin sa bawat tao!
Limangdaang taong biyaya,
Salamat! Salamat, Panginoon!
Limangdaang taong biyaya,
Salamat Panginoon, sa 'Yong punla.
Misyong kaloob sa aming puso
Aming sarili ay aming handog,
Laging tapat at laging tugon:
Naririto, handa kami Panginoon!
Naririto, handa kami Panginoon!