Wag Ka Na

Chito Miranda

[Verse]
Nag-message ka pala kaninang madaling araw
At tinatanong mo 'ko kung sa'n ko nabili yung hikaw
Na regalo ko sayo noong tayo pang dalawa
Natawa na lang ako dahil nangangamusta ka
Eh tandang-tanda ko pa kung pa'no 'ko nagluksa
Nung iniwan mo ako at sumama sa iba

Ikamusta mo na lang ako sa boyfriend mong maton
Na walang ginawa kundi mag-selfie at Tiktok maghapon
Kumpleto nga sa abs ngunit kulang sa ambisyon
Habang ako'y nandito lang sa bago kong gas station

[Pre-Chorus]
At salamat at ako'y niloko mo
Kundi malamang hanggang ngayon badtrip ang buhay ko
At kailangan ko din yun pagdaanan
Upang aking malaman ang katotohanan
Na mas ok sa piling ng iba
Kung saan tahimik at mas masaya
At kahit na magpa-cute ka pa
Ayoko na sayo, wala ka nang magagawa

[Chorus]
Wag ka nang mag-abang
Wala nang dahilan para balikan ko ang nakaraan
Wag ka nang umasa pa
Magmumukha ka lang tanga
Halatang para kang nanghihinayang
Dinadaan sa simpleng landian
Wala ka nang mapapala
You had your chance kaya pasensya na

[Verse]
Marahil ay nakita mo na ako ay masaya
Kaya di ka mapakali at nagsisisi ka
Hindi mo matanggap na may mas hihigit sayo
Hinay-hinay lang kasi sa kaka-stalk sa girlfriend ko
"You had me at my best, but she loved me at my worst"
Yun yung sinabi ni Popoy kay Basha dun sa first

[Verse]
At wag kang mag-alala dahil napatawad na kita
Wala na 'kong pakialam sayo wag ka lang manggugulo
Mag-move on ka sana at nawa'y mahanap mo
Kaligayahan na nahanap ko nung nawala ka sa mundo

[Pre-Chorus]
Kaya't salamat at ako'y niloko mo
Kundi malamang hanggang ngayon badtrip ang buhay ko
At kailangan ko din yun pagdaanan
Upang aking malaman ang katotohanan
Na mas ok sa piling ng iba
Kung saan tahimik at mas masaya
At kahit na magpa-cute ka pa
Ayoko na sayo, wala ka nang magagawa

[Chorus]
Wag ka nang mag-abang
Wala nang dahilan para balikan ko ang nakaraan
Wag ka nang umasa pa
Magmumukha ka lang tanga
Halatang para kang nanghihinayang
Dinadaan sa simpleng landian
Wala ka nang mapapala
You had your chance kaya pasensya na

Curiosidades sobre a música Wag Ka Na de Parokya Ni Edgar

Quando a música “Wag Ka Na” foi lançada por Parokya Ni Edgar?
A música Wag Ka Na foi lançada em 2021, no álbum “Borbolen”.
De quem é a composição da música “Wag Ka Na” de Parokya Ni Edgar?
A música “Wag Ka Na” de Parokya Ni Edgar foi composta por Chito Miranda.

Músicas mais populares de Parokya Ni Edgar

Outros artistas de Romantic