Yakapin Natin Ang Gabi [2022 Remaster]

Clem Castro

Kapag nag-iisa at napapaisip ka
'Wag na 'wag mong hahayaang malungkot sa mga pinagdaanan
Manaog at silipin ang buwan at bituin
Sumabay sa huni ng mga pipit at ako'y 'yong hintayin

Yakapin natin ang gabi ipihit ang mga binti
Kalimutan lahat ang mga pighati
Damhin ang bawat sandali sisikat din ang haring araw
May panibagong yugto na sa 'yo'y nag-aabang

Kaya't 'wag manghinayang (manghinayang)
'Pagkat may bagong araw (bagong araw)
Kaya't 'wag manghinayang (manghinayang)
'Pagkat may bagong araw (bagong araw)

Kapag nangangamba at hindi mapakali
Sa mga bukas na paparating tiyak na maiibsan natin
Umikot na ang plaka tangnan ang aking bisig
Sabay sa ritmo ng ating dibdib halina't sayawin

Yakapin natin ang gabi ipihit ang mga binti
Kalimutan lahat ang mga pighati
Damhin ang bawat sandali sisikat din ang haring araw
May panibagong yugto na sa 'yo'y nag-aabang

Kaya't 'wag manghinayang (manghinayang)
'Pagkat may bagong araw (bagong araw)
Kaya't 'wag manghinayang (manghinayang)
'Pagkat may bagong araw

Mapanlinlang ang kalungkutan lumaban ka
Mapagbalat-kayo ang panghihinayang
Tanggapin mo lang lahat ang hindi natin mababago
'Pagkat ang buhay ay sadyang ganyan (ah)

Ah
Ah

Yakapin natin ang gabi ipihit ang mga binti
Kalimutan lahat ang mga pighati
Damhin ang bawat sandali sisikat din ang haring araw
May panibagong yugto na sa 'yo'y nag-aabang

Kaya't 'wag manghinayang (manghinayang)
'Pagkat may bagong araw (bagong araw)
Kaya't 'wag manghinayang (manghinayang)
'Pagkat may bagong araw (bagong araw)

Curiosidades sobre a música Yakapin Natin Ang Gabi [2022 Remaster] de Orange & Lemons

Quando a música “Yakapin Natin Ang Gabi [2022 Remaster]” foi lançada por Orange & Lemons?
A música Yakapin Natin Ang Gabi [2022 Remaster] foi lançada em 2022, no álbum “La Bulaqueña”.
De quem é a composição da música “Yakapin Natin Ang Gabi [2022 Remaster]” de Orange & Lemons?
A música “Yakapin Natin Ang Gabi [2022 Remaster]” de Orange & Lemons foi composta por Clem Castro.

Músicas mais populares de Orange & Lemons

Outros artistas de Pop rock