Pasko Para Sa Lahat
Sana’y laging mayroong pag-ibig
Sa apat na sulok ng daigdig
Pagkakaisa ang mahalaga
Nang pag-asa ay laging nadarama
Wag ipagkait ang pang-unawa
Puso ay buksan sa ating kapwa
Ang nalulungkot ay bigyang pansin
Ang pasko ay sama-samang salubungin
Di ba’t ang pasko ay para sa lahat
Magmahalan magbigayan upang maging ganap
Di ba’t ang pasko ay para sa mundo
Pag-ibig ay papag-hariin nating totoo
Ang pasko ay ating ipagdiwang
At limutin ang pagdaramdam
Ating ihandog ng buong lugod
Ang pag-ibig na sa puso ay taos
Wag ipagkait ang pang-unawa
Puso ay buksan sa ating kapwa
Ang nalulungkot ay bigyang pansin
Ang pasko ay sama-samang salubungin
Di ba’t ang pasko ay para sa lahat
Magmahalan magbigayan upang maging ganap
Di ba’t ang pasko ay para sa mundo
Pag-ibig ay papag-hariin nating totoo
Doro
Doro
Doro
Doro
Di ba’t ang pasko ay para sa lahat
Magmahalan magbigayan upang maging ganap
Di ba’t ang pasko ay para sa mundo
Pag-ibig ay papag-hariin nating totoo
Pag-ibig totoo