Umuulan Sa Tag-Araw Umaaraw Sa Tag-Ulan

Nagbabago na ang panahon di na katulad noon
Litong-lito na ang mundo ang panaho'y pabago-bago
Umuulan sa tag-araw umaaraw sa tag-ulan
Sobrang lamig sa taglamig sobrang init sa tag-init

Ang klima ay nag-iiba ang daigdig ay umiinit na
Kumakapal na ang usok sa papawirin
Hirap na hirap ng huminga ang daigdig

Oh Diyos ko katapusan na nga ba ng mundo
Oh Diyos ko saan na kaya magtatago
Oh Diyos ko maglalaho na nga ba ang mundo
Oh Diyos ko pigilan ang pag-init ng mundo
Oh Diyos ko

Naranasan na natin ang mga mararahas na bagyo
Nasaksihan na natin ang mga buhawi ipo-ipo
Labis kung bumuhos ang ulan labis kung uminit ang araw
Humahaba ang tag-init umiikli ang tag-ulan

Ang klima ay paiba-iba ang daigdig ay umiinit na
At sa magkabilang polo ng mundo
Nagtitibag ng malalaking tipak ng mga yelo

Oh Diyos ko katapusan na nga ba ng mundo (oh Diyos ko)
Oh Diyos ko saan na kaya magtatago (oh Diyos ko)
Oh Diyos ko maglalaho na nga ba ang mundo (oh Diyos ko)
Oh Diyos ko pigilan ang pag-init ng mundo (oh Diyos ko)

Curiosidades sobre a música Umuulan Sa Tag-Araw Umaaraw Sa Tag-Ulan de Noel Cabangon

Quando a música “Umuulan Sa Tag-Araw Umaaraw Sa Tag-Ulan” foi lançada por Noel Cabangon?
A música Umuulan Sa Tag-Araw Umaaraw Sa Tag-Ulan foi lançada em 2011, no álbum “Panaginip Christmas (Special Edition)”.

Músicas mais populares de Noel Cabangon

Outros artistas de Asiatic music