Jeepney Driver Blues

Noel Cabangon

Magtatakipsilim tapos na naman ang isang araw
Makauwi na't kailangan nang magpahinga
Makalagok man lang ng isang bote ng serbesa

Sa maghapon ang buhay ay pamamasada
Tinitiis usok at init ng makina
At 'pag kulang pa ang kita kailangan pang umarangkada

Ganyan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na pasada jingle lang ang pahinga
'Yan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na kayod mga tuhod ay nanlalambot

'Yan ang buhay ng jeepney driver
Pag may konti nang kita pwede nang pumarada

Para mama para mamadali
Sa babaan lang ale baka tayo ay mahuli
'Pag minalas nga naman ang kita ay mababawasan

Pabalik-balik sa kalsadang masikip
Nakakainip kay haba-haba-haba ng trapik
Paulit-ulit mga pasaherong makukulit

Ganyan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na pasada katawan ay nanlalata
'Yan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na kayod kalamnan ay nangangatog

'Yan ang buhay ng jeepney driver
'Pag may konti nang kita pwede nang pumarada

Ganyan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na pasada jingle lang ang pahinga
'Yan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na kayod mga tuhod ay nanlalambot

'Yan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na pasada katawan ay nanlalata
'Yan ang buhay ng jeepney driver
Sa buong araw na kayod kalamnan ay nangangatog

'Yan ang buhay ng jeepney driver
'Pag may konti nang kita pwede nang pumarada
Magtatakipsilim tapos na naman ang isang araw
Makauwi na't kailangan nang magpahinga
At bukas ng umaga ay muling papasada

Curiosidades sobre a música Jeepney Driver Blues de Noel Cabangon

Quando a música “Jeepney Driver Blues” foi lançada por Noel Cabangon?
A música Jeepney Driver Blues foi lançada em 2000, no álbum “Pasakalye”.

Músicas mais populares de Noel Cabangon

Outros artistas de Asiatic music