Baka Bukas

Davey Langit, Lara Maigue, Marlon Barnuevo, Thyro Alfaro, Yumi Lacsamana

Tatlong oras na naman sa daan
Pati paboritong kandidato ni manong driver
Ay napag-usapan niyo ng dalawa
Napagtalunan niyo pa nga

Ngunit sa isang bagay nagkatugma
Kung iisipin mo ngayon
Imposibleng malutas
Pero malay mo naman baka bukas

Paalis na daw si doc pa Canada
Nangangailangan daw ng nurses
At doon magbabaka-sakali mas may salapi
Dito ay 'di madali hangga't hindi naitatama ang mali

Kung iisipin mo ngayon imposibleng malutas
Pero malay mo naman baka bukas

Makalawa bukas makawala
Sa gapos ng sistemang tila ba tanikala
Sana bukas makalawa bukas makawala
Sa tunay na pagkakabilanggo
Balang araw magwawakas
Imposible sa ngayon baka bukas

Ang dating sampu naging lima
Reseta'y 'di na nasunod dahil
Pinangmatrikula ng anak na 'di makapag-isip
Sa classroom niyang sobrang sikip
Naghihiraman ng librong punit-punit

Kung iisipin mo ngayon imposibleng malutas
Pero malay mo naman baka bukas

Makalawa bukas makawala
Sa gapos ng sistemang tila ba tanikala
Sana bukas makalawa bukas makawala
Sa tunay na pagkakabilanggo
Balang araw magwawakas
Simulan mo na ngayon baka bukas

Limang oras ka nang nasa daan
Hanggang ngayon hindi pa rin umuusad
Ang iyong sinasakyan ika'y pagod na
Ngunit pa sasaan ba hindi naman ito walang hanggan

Kung sisimulan mo na ngayon
Baka sakaling malutas
Baka malay mo naman
Malay mo magbago ang bukas

Curiosidades sobre a música Baka Bukas de Noel Cabangon

De quem é a composição da música “Baka Bukas” de Noel Cabangon?
A música “Baka Bukas” de Noel Cabangon foi composta por Davey Langit, Lara Maigue, Marlon Barnuevo, Thyro Alfaro, Yumi Lacsamana.

Músicas mais populares de Noel Cabangon

Outros artistas de Asiatic music