Handang Manghintay
Kay layo natin dalawa
Lagi't lagi kang alaala
Minsan sa aking panaginip
Doon lang kita nakakaniig
Ang mga sulat mo'y lagi kong tangan-tangan
Sa Poon ay dasal di ka pababayaan ako'y naririto
Magkalayo man tayo
Handang maghintay sayo
Magkalayo man ang ating mundo
Ikaw ang laging nasa aking puso (ikaw ang lagi)
Tulad ng awit ng ating pag-ibig
Sa tuwina'y naririnig
Ang mga sulat mo'y lagi kong tangan-tangan
Sa Poon ay dasal di ka pababayaan ako'y naririto (naririto)
Magkalayo man tayo
Handang maghintay sayo
Ang mga sulat mo'y lagi kong tangan-tangan
Sa Poon ay dasal di ka pababayaan ako'y naririto (naririto)
Magkalayo man tayo
Handang maghintay sayo
Oh