Minsan
Minsan sa may kalayaan
Tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik
At kan'ya-kan'yang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sikretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon (ngunit ngayon oh)
Sana'y 'wag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan
Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
Inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan
Mga tiyan nati'y walang laman
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi'y anong saya
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon (ngunit ngayon oh)
Sana'y 'wag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan
Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay mayro'ng hangganan
Dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
'Di na mapipilitang
Buhayin ang ating pinagsamahan
Kung sakaling mapadaan baka
Ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan (oh)