Naririnig Mo Ba
Hawak mo ang aking kamay
Pag-ibig mo'y walang kapantay
Sa piling mo mundo'y nag-iba
Paulit-ulit mong binibigkas mahal kita
Pagmamahal ko sa 'yo'y walang hangganan
Panaginip ko ikaw ang laman
Umiikot ang ating mundo
Hanggang nawala't nagbago
'Wag 'wag 'wag ka naman lumayo (lumayo)
Hinding-hindi ako bibitaw sa 'yo
'Wag 'wag 'wag sigaw ng puso ko
Sa 'yo ako'y hinding-hindi susuko
Mahal ko naririnig mo ba ako
Minu-minutong nangugulila sa 'yo
Alaala mo sa akin ay ginto
Pangako tayong walang hihinto
Biglang nawala't nagbago
'Wag 'wag 'wag ka naman lumayo (lumayo)
Hinding-hindi ako bibitaw sa 'yo
'Wag 'wag 'wag sigaw ng puso ko (puso ko)
Sa 'yo ako'y hinding-hindi susuko
Mahal ko naririnig mo ba ako (mahal ko)
Sa pagtakbo ng oras ko
Sana ay bumilis ito
At dalhin ako sa 'yo
Yayakapin sasabihin sa 'yo
'Wag 'wag 'wag ka naman lumayo
Hinding-hindi ako bibitaw sa 'yo
'Wag 'wag 'wag sigaw ng puso ko (puso ko)
Sa 'yo ako'y hinding-hindi susuko
Mahal ko naririnig mo ba (mahal ko)
Mahal ko naririnig mo ba (mahal ko)
Mahal ko naririnig mo ba ako (mahal ko)