Langit Lupa

Yumi Lacsamana, Sean Cedro, Moira Dela Torre

'Di ko namalayan
Naglalaro na lang pala tayo
Akala ko ipaglalaban
Ako lang rin pala ang matatalo

'Di na ba sapat
'Di ba ako sapat

Mananatili bang
Langit lupa ang pagitan
Nating dalawa
Wala na ba akong pag-asa
Na muli kang mahagkan
Parang araw at buwan
Kahit na isang saglit man lamang

Mananatili ba
Langit at lupa

Ako'y hindi makawala
Sa yakap mong parang sumusuko
Bakit 'di makawala (bakit 'di makawala)
Ano pa bang magagawa
Kung ang pag-ibig ay maglalaho oh

'Di pa ba sapat ('di pa ba sapat)
'Di ba ako sapat ('di pa ba)

Mananatili bang
Langit lupa ang pagitan
Nating dalawa
Wala na ba akong pag-asa
Na muli kang mahagkan
Parang araw at buwan
Kahit na isang saglit man lamang

Mananatili ba
Langit at lupa

Padahan na akong aalis
'Di ko na pipilitin
Pagtagpuin ang 'di na maaari
'Di lahat ng sugatan
Tama ang pinaglaban

Paalam na
Paalam na dahil

Mananatili nang
Langit lupa ang pagitan
Nating dalawa
Natuyo na ang pag-asa
Na muli kang mahagkan
Parang araw at buwan
Kahit na isang saglit wala na

Mananatili nang
Langit at lupa

Curiosidades sobre a música Langit Lupa de Moira Dela Torre

Quando a música “Langit Lupa” foi lançada por Moira Dela Torre?
A música Langit Lupa foi lançada em 2018, no álbum “Malaya”.
De quem é a composição da música “Langit Lupa” de Moira Dela Torre?
A música “Langit Lupa” de Moira Dela Torre foi composta por Yumi Lacsamana, Sean Cedro, Moira Dela Torre.

Músicas mais populares de Moira Dela Torre

Outros artistas de Film score