Dear Classmate [Live]

Bigla na lang umiiyak sa'king tabi
Wala namang binibigkas ang iyong labi
Tila parang nais mo nang matapos ang lahat
Matapos ang lahat
Mag-aral ka muna wag kang malungkot

Nandito lang ako naghihintay sa'yo
Wag mong kalimutan wag kang maglugmok
Nandito lang ako nagmamahal sa'yo
Oh bakit ba parang kay bilis
Nawala na ang busilak nawala pa ang tamis

At kahit na gano'n pa man ako ay maghihintay
Maghihintay
Mag-aral ka muna wag kang malungkot
Nandito lang ako naghihintay sa'yo
Wag mong kalimutan wag kang maglugmok
Nandito lang ako nagmamahal sa'yo

Alam ko na ngayon ang totoo
Sa mga tanong na wala kang sagot
Hindi na pala ako ang 'yong tugon
Iba na pala ang may-ari ng puso mo
Sumama ka muna sa mahal mo

Nandito lang ako naghihintay sa'yo
Wag mong kalimutan ang pag-ibig ko
Nandito lang ako nagmamahal sa'yo yeah
Wag mong kalimutan ang lahat ng ito
Ay para sa'yo
Ay para sa'yo

Músicas mais populares de Mayonnaise

Outros artistas de Pop rock