Dear Classmate [From "Tayo Na Lang Dalawa"]

Bigla na lang umiiyak sa'king tabi
Wala namang binibigkas ang iyong labi
Tila parang nais mo nang matapos ang lahat
Matapos ang lahat

Mag-aral ka muna wag kang malungkot
Nandito lang ako naghihintay sa'yo
Wag mong kalimutan wag kang maglugmok
Nandito lang ako nagmamahal sa'yo

Bakit ba parang kay bilis
Nawala na ang busilak nawala na ang tamis
At kahit na gano'n pa man ako ay maghihintay
Maghihintay

Mag-aral ka muna wag kang malungkot
Nandito lang ako naghihintay sa'yo
Wag mong kalimutan wag kang maglugmok
Nandito lang ako nagmamahal sa'yo

Alam ko na ngayon ang totoo
Sa mga tanong na wala kang sagot
Hindi na pala ako ang 'yong tugon
Iba na pala ang may-ari ng puso mo

Sumama ka muna sa mahal mo
Nandito lang ako maghihintay sa'yo
Wag mong kalimutan ang pag-ibig ko
Nandito lang ako nagmamahal sa'yo

Wag mong kalimutan
Ang lahat ng ito
Ay para sa'yo
Ay para sa'yo

Músicas mais populares de Mayonnaise

Outros artistas de Pop rock