Bangungot [Covid-19 Metal contest]
Niyayakap tayo ng dilim
Apat na sulok koy sumisikip
Dahan dahang pinahihirapan
Pinipiga ang aking isipan
Oh, hanggang kailan ako nakakulong
Di pinapatulog ng aking multo
Di ko alam kung ano ang totoo
Di kilala kung sinong aasahan
Di ko man lang makita tong kalaban
Tayo'y unti unti ng nalalagas
Mugtong mga mata
Di na alam kung saan patungo
Ang tapang ko ay sadyang naglaho
Walang takas sa bangungot nato!
(Di pa huli)
Habang akoy tulog alam kong merong namatay para sakin
Di na mapalagay, walang maambag, Diyos ako'y patawarin
Walang ginawa, paulit ulit, kinaladkad ang sariling utak
Hanggang dito na lang ba ang aking magagawa, manonood hanggang katapusan?
(Tinitiis ang hapdi ng kalamnan)
Habang takot sa banta ng kawatan
Niyayakap na tayo ng dilim
Apat na sulok ko'y sumisikip
Wala na tayong mapupuntahan
Pumikit, magtangkang manawagan
At manalangin sayo, at ang awa mo'y
Liligtas saming lahat
Nilamon
Ng apoy
Isang parusa sa kapabayaan
Masyado ng maraming sakripisyo
Di na dpat humantong pa sa ganito
Ngayon tatanungin kita
Kaya ba?
Sa tuwing pipikit mo ang iyong mata
Kita mo pa?
Na hindi na ikaw yong dating sarili.
Kilala mo pa ba?
Pinatay na ng kalabang di mo nakikita ang iyong tiwala
Mugtong mga mata
Di na alam kung saan patungo
Ang tapang ko ay sadyang naglaho
Walang takas sa bangungot nato!