Ngayon At Kailanman

Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman
Sa hirap o ginhawa pa
Asahan may kasama ka sinta
Naroroon ako t'wina
Maaasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman (dahil kaya sa 'yo)

Dahil kaya sa 'yo ng maitadhanang (oh)
Ako'y isilang sa mundo (oh)
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo (oh)
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapalingkuran hirang (oh)
Bakit labis kitang mahal (oh)
Pangalawa sa Maykapal (oh)
Higit sa 'king buhay

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag (lalong tumatamis)
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon (oh)
Na daig ng bawat bukas (oh)

Malilimot ka lang (oh)
Kapag ang araw at bituin ay di na matanaw (oh)
Kapag tumigil ang daigdig at di 'na gumalaw (oh)
Subalit isang araw pa matapos ang mundo'y nagunaw na (mundo'y nagunaw na)
Hanggang doon magwawakas pag-ibig kong sadyang wagas (oh)
Ngayon at kailanman

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag (bawat araw ang pag-ibig)
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon (tumitingkad)
Na daig ng bawat bukas (na daig ng bawat bukas)

Labis kitang mahal (hmm)
Tangi sa Maykapal (tangi sa Maykapal)
Ngayon at kailanman (hmm)
Oh (hmm)
Ngayon at kailanman

Músicas mais populares de Martin Nievera

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)