Kung Ako Na Lang Sana
Heto ka na naman kumakatok saking pintuan
Muling naghahanap ng makakausap
At heto naman ako nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan
Ewan ko bakit ba hindi ka pa nadadala
Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya
At ewan ko nga sa'yo parang balewala ang puso ko
Ano nga bang meron siya na sa akin ay 'di mo makita
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sa'yo
Heto pa rin ako umaasang ang puso mo (umaasang)
Baka sakali pang ito'y magbago (oh)
Narito lang ako kasama mo buong buhay mo (buong buhay mo)
Ang kulang na lang mahalin mo rin akong lubusan (kulang na lang)
Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo (narito)
Kung ako na lang sana
Oh
Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo
Kung ako na lang sana
Kung ako na lang sana