Hiling
[Verse 1]
Ito ay isang dalangin
'Wag sanang ipagkait
Matagpuan na ang hanap
Na pangarap, na pangarap
[Verse 2]
Kasalanan nga bang umibig?
Parusang lungkot ang hatid
Lamig ng hangin ang yakap
T'wing gabi, t'wing gabi
[Pre-Chorus]
Pinipilit mang itago, hindi kayang maglaho
Ang mga katanungang tulad ng
[Chorus]
Bakit parang sa'kin lamang may galit?
Madayang tadhanang iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?
[Verse 3]
Lumilipad ang aking isip
Bigla na lang napapailing
Wala na ngang mapagtuunan
Ng pansin, ng pansin
[Pre-Chorus]
Pinipilit mang itago, 'di kayang maglaho
Ang mga katanungang tulad ng, tulad ng
[Chorus]
Bakit parang sa'kin lamang may galit?
Dumadayang tadhanang iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?
[Bridge]
Nakahanda ang puso
Kahit pa ako ay masaktan
[Chorus 2]
Kung sino man para sa'kin, 'di ko sasayangin
Madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?
[Outro]
Kung sino man para sa'kin kahit magalit
Madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?