May Gusto Ako Sayo

Kay tagal na kitang kilala
Kay tagal na kitang kasama
Ngunit may lihim ng puso ko
At nais ko sanang malaman mo
Ngunit ako'y nangagamba

Ang sabi ng puso ko
Huwag na lang
Ipaalam sa'yo
Baka kapag nalaman mo
Ang totoong damdamin ko sa'yo
Tiyak may magbabago

May gusto ako sa'yo
Kay tagal ko nang nililihim ito
Alangan lang ako
Ipagtapat sa'yo
Ako kaya'y maunawaan mo
Ako kaya'y ibigin mo
Sa sandaling na malaman mo
May gusto ako sa'yo

At sabi ng kaibigan ko
Walang masama
Kung sasabihin ko sa'yo
Nag-aalinlangan ako
Baka masaktan lang ang puso ko
Sa sandaling malaman mo

May gusto ako sa'yo
Kay tagal ko nang nililihim ito
Alangan lang ako
Ipagtapat sa'yo
Ako kaya'y maunaawaan mo
Ako kaya'y ibigin mo
Sa sandaling na malaman mo
May gusto ako sa'yo

May gusto ako sa'yo
Kay tagal ko nang nililihim ito
Alangan lang ako
Ipagtapat sa'yo
Ako kaya'y maunaawan mo
Ako kaya'y ibigin mo
Sa sandaling na malaman mong
May gusto ako sa'yo
Oh
May gusto ako sa'yo

Músicas mais populares de Mark Bautista

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)