Buksan Mo
Ito na nga ba ang pag-ibig
Madalas ay napapa-isip
Nalilito ang puso ko (ang puso ko)
Natatakot mahulog sayo (mahulog sayo)
Madalas ay naaalala
Ang mga oras na magkasama
Sa twina ay napapangiti (napapangiti)
Ang labi kong di masabi-sabi
Magmula ng ika'y dumating (ika'y dumating)
Nag-iba ang pag-ikot ng mundo (nag-iba ang pag-ikot ng mundo)
Naninibago sa nararamdaman ng puso ko
Buksan mo ang puso ko
Turuan mo pagkat ako naninibago sa'yo
Tila nahulog ako wag naman sanang mabigo o masaktan ang puso ko
Bakit ba ngayon lang tinamaan (bakit ba ngayon lang tinamaan)
Na kung umibig ay ngayon pa lang (na kung umibig ay ngayon pa lang)
Nakakatuwa na nakakainis (nakakatuwa na nakakainis)
Sa isip ko'y ika'y hindi maalis
Magmula ng ika'y dumating nag-iba ang pag-ikot ng mundo (nag-iba ang pag-ikot ng mundo)
Nangangarap na sana ganun din ang puso mo
Buksan mo ang puso ko
Turuan mo pagkat ako ay naninibago sa'yo
Tila nahulog ako wag naman sanang mabigo o masaktan ang puso ko
Bigla na lang umibig di inaasahan ito
Ngunit ngayo'y tinamaan ako
Buksan mo ang puso ko
Turuan mo pagkat ako ay naninibago sa'yo
Tila nahulog ako wag naman sanang mabigo o masaktan ang puso ko
Turuan mo ako'y nahulog sayo
Huwag naman sanang mabigo o masaktan ang puso ko
Oh