Ganito Ako
Marahil ako'y kakaiba
Itinatago ikinakahiya
Uhaw sa pagmamahal at pagtanggap
Hatid ng kahapong sugat na tumatak
Hindi ko mapigilang umiyak
Sa bawat sakit sa bawat lagablab
Damdamin ay nagpupuyos nagliliyab
Pag-ibig na tunay kailan mahahanap
Ganito ako (ganito ako)
Kakaibang nilalang
Kakaibang anyo
Pagmamahal at kapangyarihan
Sana'y iyong mahalin
Kahit naiiba sa paningin ha ha ha
Hindi ko hangad ang tagumpay
Maging ang karangyaan wooh
Tanging pag-ibig mo ang inaasam
Ganito ako
Kakaibang nilalang
Kakaibang anyo
Pagmamahal at kapangyarihan
Sana'y iyong mahalin
Kahit naiiba sa paningin