Hiraya Manawari
Nais kong iparating
Bulong ng damdaming
Uhaw sa pag-ibig at aliw
Hiling ay Iyong marinig
Ang aking panalangin
Ikaw ay makapiling bawat sandali
Sa kabila ng mga suliranin
Ang kamay ko'y hawak Mo pa rin
Di hahayaang maiwan sa dilim
Hiraya, manalig ka
May bagong pag-asa
Lumaban ka
Hiraya, manalig ka
May bagong umaga
Kumilos na
Nais kong iparating
Hangarin ng puso at hiling
Mga pangarap ko ay makamit
Tanging kalooban Mo ay sundin
Ang Iyong gabay
Ay hindi mahuhuli
Tiwalang dalangin ko ay sasagutin
Ikaw ang liwanag
Sa umaga at gabi
Biyaya Mo ay walang tigil
Ikaw ang pag-ibig
Una at huli
Hiraya, manalig ka
May bagong pag-asa
Lumaban ka
Hiraya, manalig ka
May bagong umaga
Kumilos na
Kalooban Mo ay aking susundin
Sa Iyong kabutihan ay mananalig
Hiraya, manalig ka
May bagong pag-asa
Lumaban ka
Hiraya, manalig ka
May bagong umaga
Kumilos na