Kailan?

Ralph William Datoon, Viktor Nhiko Sabiniano

Kailanman 'di ko maiisip
Ang mundong walang ikaw
Tatandang lugod kasama ka
at kahit na kailan mamahalin kita

O kay bilis ng takbo ng panahon
walang nananatili sa mga kahapon
Umiiyak nalang sa mga litrato
At muli, napapaisip

Kailan mo naramdaman
na 'di mo na ako mahal?
(Na hindi na "ako" mahal?)
Pano mo nalaman
na hindi na magtatagal
(at kaya mong pakawalan?)

Kase paulit-ulit ko naman pinaparamdam
sa iyo sa puso ko ikaw lamang ang laman
kailan, saan, at bakit 'di ko man lang alam?
hindi ko man lang alam
(Hindi ko man lang alam)

Kailan ko malalaman?
bakit mo papakawalan ang sabi mong walang hanggan?

Kay tagal ko rin na naghintay
Nalulungkot bawat saglit
Sa dami ng kwentong nais kong sabihin
Hindi ka na nakikinig
Hindi ka na kinikilig

O kay bilis ng takbo ng panahon
walang nananatili sa mga kahapon
Ngumingiti nalang sa mga litratong 'di ko na mababalikan

Kailan mo naramdaman
na 'di mo na ako mahal?
(Na hindi na "ako" mahal?)
Pano mo nalaman
na hindi na magtatagal
(at kaya mong pakawalan?)

Kase paulit-ulit ko naman pinamaramdam
sa iyo sa puso ko ikaw lamang ang laman
kailan, saan, at bakit 'di ko man lang alam?
hindi ko man lang alam
(Hindi ko man lang alam)

Kailan ko malalaman?
bakit mo papakawalan ang sabi mong walang hanggan?

Kase paulit-ulit ko naman pinamaramdam
sa iyo sa puso ko ikaw lamang ang laman
kailan, saan, at bakit 'di ko man lang alam?
hindi ko man lang alam
(Hindi ko man lang alam)

Curiosidades sobre a música Kailan? de Maki

Quando a música “Kailan?” foi lançada por Maki?
A música Kailan? foi lançada em 2023, no álbum “Tanong”.
De quem é a composição da música “Kailan?” de Maki?
A música “Kailan?” de Maki foi composta por Ralph William Datoon, Viktor Nhiko Sabiniano.

Músicas mais populares de Maki

Outros artistas de Hip Hop/Rap