Eroplanong Papel

Marlon Peroramas, Bryan Lao, Neil “Yung Bawal” Raymundo

CHORUS (LOONIE):
Tulala sa matayog na pader
Nangarap sintaas ng tore ng Babel
Nung walang pambili ng laruang baril
Nagtatiyaga sa eroplanong papel
VERSE 1 (LOONIE):
Naaalala ko pa yung bahay sa Vito Cruz
Kung san ang battlerap sakin unang naintroduce
Nung mga panahong wala pang gigs at interviews
Wala ring makain kasi wala pang million views
Daming gustong patunayan
Dami ring gustong pasinungalingan
Daming gustong paghusayan
Kaso pamilya ay di ko malisan
Daming gustong pagusapan
Kaso takot sa mali kong katwiran
Dami nang pinagdusahan
Sa dami ng nagawang kamalian (kamalian)
(SMUGGLAZ):
Ayo!
Naaalala ko sa Delpan, dun sa kanto
Hablot, tutok
Pag mahina bote-diyaryo
Wala pang Batang Quiapo nun o Probinsyano
‘Sang batang pasaway na habulin na ‘to ni Cardo
Dami kong gustong subukan gamit ang perang makapangyarihan
Dami ring gustong tulungan, mabiyayaan at mabahagian
Dami mang gustong tutulan, mga tunay na kaaway, pekeng kaibigan
Dami nang pinaghugutan nung mga panahon na ako ay kalimitang…
CHORUS (LOONIE):
Tulala sa matayog na pader (tulala!)
Nangarap sintaas ng tore ng Babel (ugh)
Nung walang pambili ng laruang baril (walang-wala!)
Nagtatiyaga sa eroplanong papel (nagtatiyaga!)
Ngayon tila ako’y nagdilang-anghel (tila bigla!)
Limpak-limpak na milyones sa mantel (limpak-limpak!)
Mapadolyar man o piso mga ser (kahit euro!)
Ginagawa ko lang eroplanong papel
VERSE 2 (SMUGGLAZ):
Naaalala ko pa yung mga gabi sa t’wina
Uwian ay kalsada, at pamilya ang barkada
Nagigising sa mga usok at busina
Sa walang kurtina kong kubeta, sala’t kama
Buhay ba ng gangsta? Gusto mo sumama?
Muntik na kong mabaliw at maging taong grasa
Kahiyang i-flex, yung iba nga finefake
Yung istoryang pinepeg, paangasin na may drama (drama, drama, drama)
Pero kung ‘kala mo na yun lamang (yeah)
Tapos madapa, gumulong, at gumapang
Alam kong bumangon ay obligasyon kong atang
Nung una akalang hanggang dun na lamang
Tapos ngayon parang ako pa yumabang (ha?)
Sa repleksiyon ng aking mga mata
Nakikita ko pa rin yung batang (batang, batang…)
CHORUS (LOONIE):
Tulala sa matayog na pader (tulala!)
Nangarap sintaas ng tore ng Babel (ugh)
Nung walang pambili ng laruang baril (walang-wala!)
Nagtatiyaga sa eroplanong papel (nagtatiyaga!)
Ngayon tila ako’y nagdilang-anghel (tila bigla!)
Limpak-limpak na milyones sa mantel (limpak-limpak!)
Mapadolyar man o piso mga ser (kahit euro!)
Ginagawa ko lang eroplanong papel
VERSE 3 (LOONIE):
Di na kailangan magbayad ng upa
Meron nang bahay at lupa, malaya sa utang
Sarap na ng buhay di gaya nang una
Di na kailangan pang magkandakuba
Para sa pangarap na nakakalula
Bawal sa mga batang, mababaw luha
Maraming sugapang makakasagupa
Gumapang sa lupa hanggang sa makuha
Kaya magflex nang pilit, di na kailangan
Ako’y haligi na ng tanan
Magpapasimple, pakumbaba lang
Para hindi rin ako utangan
Mananahimik na lang sa gilid kahit sabihin pa na yumabang
San man mawili, Sa’king sarili mananatili pa rin yung batang…
CHORUS (LOONIE):
Tulala sa matayog na pader (tulala!)
Nangarap sintaas ng tore ng Babel (ugh)
Nung walang pambili ng laruang baril (walang-wala!)
Nagtatiyaga sa eroplanong papel (nagtatiyaga!)
Ngayon tila ako’y nagdilang-anghel (tila bigla!)
Limpak-limpak na milyones sa mantel (limpak-limpak!)
Mapadolyar man o piso mga ser (kahit euro!)
Ginagawa ko lang eroplanong papel

Músicas mais populares de LOONIE

Outros artistas de Asian hip hop