Sa Sasakyan Ng Jeep

Laging laging naghihintay
Laging laging nagbabantay
May kung anong kilig na nadarama
Sa tuwing nakikitang nag-aabang

Pag gising ko bintanang tinutungo
Tinitignan kung nandun na ang mahal ko
Umaasang maaabot ng tanaw
Habang naghihintay ng sakay niya

Dun sa sakayan ng jeep madalas sinisilip
Dun sa sakayan ng jeep minsan ay naiinip
Dun sa sakayan ng jeep para bang panaginip
Nung nakikita ko siya sa sakayan ng jeep

Minsan nakitang naghihintay
Kunyari ako ang inaantay
Ngunit nakitang may kasabay
Ang puso ko'y nagkagutay-gutay

Dun sa sakayan ng jeep madalas sinisilip
Dun sa sakayan ng jeep minsan ay naiinip
Dun sa sakayan ng jeep para bang panaginip
Tuwing nakikita ko siya sa sakayan ng jeep

Minsan kami ay nagkasabay
Nagkatabi ngunit walang saysay
Hindi na sya ang aking hinihintay
Lagi na ako ngayong may ibang kasabay

Dun sa sakayan ng jeep madalas sinisilip
Dun sa sakayan ng jeep minsan ay naiinip
Dun sa sakayan ng jeep para bang panaginip
Tuwing nakikita ko siya sa sakayan ng jeep oh

Dun sa sakayan ng jeep
Dun sa sakayan ng jeep

Músicas mais populares de Lani Misalucha

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)