Nasaan Ka Na
Bakit kaya minamahal pa kita
Ngayo'y lumuluha ako'y nag-iisa oh
'Di natiis ika'y umibig sa iba
Hindi pa ba sapat ang aking nagawa
Hindi ko na nadarama mga yakap sa umaga
Nasaan ka na tunay bang mahal mo s'yang katulad ko
Na lagi nang nasasaktan
Ang mabuti pa kaya upang malunasan ang pagdurusa
Ay limutin na kita
Sakali ay humanap ng iba
Kahit kailan ay ikaw ang dahilan
Upang mabuhay pa ako ng matagal
Kung sadya ngang ganyan ako'y iyong iiwan
Ay kakayanin kong ika'y mapagbigyan
Nagtatanong ang puso ko at pati na rin ang isip
Nasaan ka na tunay bang mahal mo s'yang katulad ko
Na lagi nang nasasaktan
Ang mabuti pa kaya upang malunasan ang pagdurusa
Ay limutin na kita
Sakali ay humanap ng iba
Di mapigil ang luha sa 'king mga mata
Ano pa bang magagawa
Nasaan ka na tunay bang mahal mo s'yang katulad ko
Na lagi nang nasasaktan
Ang mabuti pa kaya upang malunasan ang pagdurusa
Ay limutin na kita
Sakali ay humanap ng iba